ONE OPTI Dropshipping Mechanics and FAQs



DROPSHIP now with Optimum Life!

We take care of your deliveries. Nationwide and Worldwide!!!

Kung ay ikaw ay isang registered member ng ONE OPTI at gusto mo magresell ng products nationwide, di mo na kailangan mahirapan dahil maaari ka na mag-dropship sa Optimum Life. Ang dropshipping ay isang sistema ng komersyo kung saan ang Supplier ng Seller ang mismong nagpapadala ng orders ng Seller patungo sa kanyang Customers. Tulong ito para sa mga miyembro na nagsisikap mapalago ang kanilang negosyo.

Optimum Life ang bahala sa products, kami din ang bahala sa logistics! Ang order mo, ipapadala namin kahit saan mang sulok sa Pinas. Kapag natanggap na ng customer mo ang order, maaari na namin iremit sa iyo ang kita.

Kaya, hakot na ng customers at mag-padeliver ka na sa Optimum Life!


👉 PARTNER COURIERS: J&T, LBC, LEX, DHL, FedEx

Kami ang bahala sa products and packaging. Garantisadong makakarating sa padadalhan mo. Garantisado ang iyong kita.


HOW TO ORDER

👉 Members https://myoptimumlife.com/dropshipping/


HOW TO BE A MEMBER

👉 Registration https://myoptimumlife.com/signupform

👉 Learn more https://myoptimumlife.com/membership


❗️ Cash on Delivery Available

❗️ Payment Options: GCash / COD / Credit or Debit Card


FAQs


Q. ANO ANG DROPSHIPPING?

A. Ito ay isang paraan ng komersyo kung saan ang supplier mismo ng isang distributor ang nagpapadala ng mga produkto sa customer ng distributor.


Q. MAY MEMBER DISCOUNT BA?

A. Kung registered member ka na, may member discount ka.


Q. PAANO ANG BAYAD?

A. Maaaring magbayad via GCash, Credit or Debit Card, at COD. Mas okay kung babayaran muna sayo ng customer ang order niya sayo. Para kapag nag-submit ka ng order sa website, babayaran mo na lang with GCash, or Credit/Debit Card para walang babayaran ang customer mo pag natanggap na nila ang order dahil bayad na sayo, at higit sa lahat hawak mo na agad ang kita mo.


Q. PAANO KUNG COD ANG BAYAD?

A. Ang tubo mo ay ireremit sa iyo kapag natanggap na at nabayaran na ng customer mo ang package. Maaaring ipadala sa iyo ang iyong kita sa pamamagitan ng GCash or online bank transfer. Mas madali kung sayo muna magbabayad ang customer mo, babayaran mo na lang ang order sa member price para hawak mo na agad ang iyong tubo.


Q. SINO ANG COURIER NG OPTIMUM LIFE?

A. Ang Optimum Life ay may corporate agreement or contract sa mga sumusunod na local at international couriers: J&T, LBC, LEX, DHL, FedEx

Dahil dito may access kami sa kanilang systems at kami mismo ang nagpaprocess ng airway bill at packaging tapos ay kukunin na lamang ng courier sa aming shop. Madali din namin namomonitor ang status ng mga deliveries sa aming online dashboard. May corporate account kami sa kanila kaya ang aming shop ay nasa itaas ng kanilang priorities bilang VIP client.


Q. PAANO KO MALALAMAN KUNG MAGKANO ANG KINITA KO?

A. Sa order form pa lang ay makikita mo kung magkano ang babayaran na Selling Price mo sa customer mo, kung magkano ang Member Price, at makikita din ang Profit na siyang halaga ng tubo mo na siyang ireremit namin sa iyo kapag nadeliver na ang package. Transparent lahat.


Q. PAANO KO MATATANGGAP ANG KINITA KO?

A. Maaaring ipadala sa iyo ang iyong kita sa pamamagitan ng GCash or Online Bank Transfer. Kapag natanggap na ng customer mo ang package, maaari ka na magrequest ng remittance. Magmessage lang sa FB.com/OptimumLifePH para magrequest ng remittance. Ibigay ang Order Number para madaling maverify ang order. Tandaan, may ₱50 na remittance fee na ibabawas sa amount ng iyong remittance sa bawat ₱500. Bawat remittance request ay may ₱50 na fee, kaya mas mabuti na ipunin muna bago magrequest ng remittance para sulit.


Q. PWEDE BA INTERNATIONAL SHIPMENT?

A. YES pwede. Para sa International deliveries, ang gagamitin mo ay ang GLOBAL ORDER FORM.  Ang Optimum Life ay may corporate agreement or contract with DHL and FedEx, kaya may access kami sa systems at kami mismo ang nagpaprocess ng airway bill at packaging tapos ay kukunin na lamang ng courier sa aming shop. Kami din ang bahala sa customs clearance kaya 100% success rate ang deliveries.

Narito ulit ang link para sa GLOBAL ORDER FORM - https://global.myoptimumlife.com/memberform/


Q. PAANO ANG BAYAD PAG INTERNATIONAL DELIVERY?

A. Payment First before Shipping kapag International delivery. Piliin lamang sa order form ang Payment Option kung Credit/Debit Card or Cash/Money Transfer. Wala po tayo COD or Cash on Delivery payment method kapag International delivery. Kaya dapat mabayaran muna ng customer ang order niya sayo bago mo isubmit ang order form, o nasa kasunduan niyo na yan ng customer mo. Sa ganitong paraan, hawak mo na agad ang tubo mo. Ang Optimum Life ay walang pananagutan sa transaksyon ng iyong customer sa iyo, pero may pananagutan kami sa transakyon namin sa iyo at hindi sa customer mo.


Q. KAYO NA BA BAHALA SA CUSTOMERS KO?

A. Kailangan ikaw ang magmanage ng mga orders at mga customers mo, responsibility mo sila bilang ikaw ang Seller. Ang responsibility namin ay ikaw at ang pagpapadeliver ng orders mo.


Q. MOBILE STOCKIST AKO, PWEDE DIN BA AKO MAG-DROPSHIP  SA INYO?

A. Ang Dropshipping service ng Optimum Life ay para lamang sa mga entry-level na Member Distributor. Mobile Stockist din kami at pareho lamang ang price ng products na nakukuha natin kaya wala kami magiging profit mula sa kapwa Mobile Stockist.


Q. KAILANGAN KO BA MAGBIGAY NG PUHUNAN?

A. Hindi po. Yan ang maganda sa dropshipping ng Optimum Life. Kami ang bahala sa products at packaging hanggang sa delivery. Wala ka ibang gagawin kundi magmarket, magbenta, at maghintay ng remittance mo.


Q. PWEDE BA AKO MAG-ORDER PARA SA SARILI KO?

A. Oo naman. Para sa pangpersonal na order, gamitin ang MEMBER ORDER FORM. Huwag gagamitin ang Dropshipping Form para sa personal na order dahil SRP ang price at hindi member price.


Q. MAY MAKUKUHA BA AKO NA REBATE CODES?

Yes. Sa order form ay may option kung gusto mo may kasamang Rebate Codes ang order mo. Tandaan na applicable lamang ang Rebate Codes sa mga members na may dalawa o higit pang accounts sa kanilang dashboard. Kung isa lang ang account mo, wala ka pa makukuha na rebate points. Maliban kung plano mo mag-dagdag ng account in the future, maaari mo piliin na makatanggap ng rebate codes para ipunin habang iisa pa lang ang account mo..


Q. PAANO KO MATATANGGAP ANG REBATE CODES?

A. Kung sa iyo mismo idedeliver ang order, isasama ang rebate codes sa package. Kung ang package ay ipapadeliver naman sa iyong customer, maaari na lang isend sa messenger or email ang picture ng rebate codes. Pag-katapos isend sayo ang picture ng REBATE CODES, ito ay pipilasin o gugupitin o isheshred at isesend ulit sayo ang picture. Tiwalaan lang. Kung may duda, wag mag-order.


Q. MAY MATATANGGAP BA AKO NA PROOF OF PURCHASE?

A. Yes. Pag-nagsubmit ka sa website ng order, may marereceive ka na confirmation sa email mo. Bukod dito ay magpapadala din sayo ng electronic invoice sa Messenger mo or sa email.


Q. BAKIT NAMAN ITO GINAGAWA NG OPTIMUM LIFE?

A. Una, masaya na ako sa katiting na tubo bilang Mobile Stockist, kumpara sa profit ng mga members. Wala kami interes na maghangad ng higit pa diyan, tutulungan ka lang namin. Sa order volume na lang ang bawi namin. Pangalawa, may mga mabibigyan kami ng trabaho at hanapbuhay kaya ginagawa namin ito.


Q. MAGKANO NAMAN ANG SHIPPING FEES?

A. Para sa local deliveries:

My Optimum Life - Domestic Shipping Rates


Q. BAKIT MAS MURA ANG SHIPPING FEE SA LAZADA AT SHOPEE?

A. Lingid sa kaalaman ng mga sellers sa Lazada at Shopee, sila ay kinakaltasan ng 3% payment fee or COD fee na hindi kasama sa binabayarang presyo ng produkto. Ito ang dahilan kung bakit mas mura ang shipping fee sa Lazada at Shopee. Ang 3% fee na ito ay hindi kayang balikatin ng mga Mobile Stockists na katulad ko dahil kumpara sa mga regular members, di hamak na mas malaki ang tinutubo ninyo kaysa sa amin. Kinakain lamang ng payment fee na ito ang aming tubo at mas madalas ay mas malaki pa ang nawawala. Kaya, ibigay niyo na sa amin ang maliit na tubo. Tutulungan namin kayo kumita ng malaki, pero tulungan niyo rin sana kami kumita ng maliit.


Q. PWEDE BA FREE SHIPPING?

A. Hindi po. Tulad ng nabanggit sa itaas, maliit lamang ang aming tubo bilang Mobile Stockist, wala kami kikitain kung babalikatin namin ang shipping fee. Tutulungan namin kayo kumita ng malaki, pero tulungan niyo rin sana kami kumita ng maliit. Bilang member, hanggang 42% ang iyong discount sa mga produkto, kaya pwede ka mag-alok ng free shipping sa customer mo, pero ibabawas ito sa iyong kita.


Q. PAANO MALALAMAN ANG SHIPPING FEE SA ISANG LUGAR?

A. Sa mismong dorpshipping form ay makikita mo na agad kung magkano ang shipping fee na babayaran ng iyong customer. Sagutan lang ng kumpleto ang form, bago isubmit ang order, ipaalam muna sa customer ang shipping fee para hindi mareject ang delivery.


Q. FIXED RATE BA ANG SHIPPING FEE?

A. Hindi po. Auto-calculated na po ang shipping fee sa order form. Naaayon po ang halaga ng shipping fee sa mga sumusunod na factors:

    - Layo ng lugar na padadalhan.

    - Bigat at bilang ng produktong ipapadala.

    - Sukat ng parcel o ng kahon na gagamitin.


Q. GAANO NAMAN KABILIS ANG DELIVERIES?

A. Para sa local deliveries:Luzon Areas 3-5 business days | Vis / Min Areas 7-10 business days. Maliban kung may cause of delay tulad ng kalamidad, o sa panahon ngayon ng pandemya depende sa kasalukuyang restriction na ipinapatupad sa delivery location.

A. Para sa international deliveries: 5-10 business days. Maliban kung may delay dahil sa customs clearing, kalamidad o pandemia.


Q. OFFICIAL SITE OR PAGE BA ITO NG ONE OPTI LIFESTYLE INTERNATIONAL?

A. Hindi po. Ang Optimum Life ay trading name sa ilalim ng legal business name na iCrescini Ventures OPC or iCVOPC. Ang iCVOPC ay company na pag-mamay-ari ko. Ako po ay si Perry Crescini, isang registered Mobile Stockist ng One Opti Lifestyle Intl. na may Member ID no. 1291703, at ang iCVOPC ay isang registered business sa SEC na may registration certificate no. 2022020040434-04 at BIR registration certificate no. 057RC20220000001364.

Kung may karagdagang katanungan, makipag ugnayan lamang sa aming FB page, fb.com/OptimumLifePH, or magsend ng email sa care@myoptimumlife.com.

Kung may karagdagang katangungan, makipag uganayan lamang sa aming FB page, fb.com/optimumlifeph, or magsend ng email sa care@myoptimumlife.com


Comments